Tuesday, May 7, 2013

Just Like Your Favorite Shoes


Relationship na ayaw i-let go? Parang paborito mong sapatos lang yan. Yung everytime na masira ‘to, eh handa kang gawin ang lahat para maibalik lang sa ayos. Pero for sure, darating at darating yung time na mapapagod ka sa pag-aayos nito, na mare-realize mo na wala nang pag-asang magamit pa ulit ito, kasi nga sirang-sira na. Di mo man gusto pero kailangan na itong itapon. Pero wag kang mag-alala, bakit hindi mo kaya subukang maghanap ulit sa mall. Sigurado naman akong marami ka pang makikitang iba dyan na magugustuhan mo, yung mas maganda at mas matibay. You deserve something better new! :)